Pinoy Jokes

ART

Isang bata, nagpasa ng blank paper sa art teacher…
Teacher: Bakit blank ang work mo?
Bata: Nagdrawing po ako ng baka at damo.
Teacher: (tinignan ulit ang papel) San ang damo?
Bata: Ubos na po,kinain ng baka.
Teacher: (kamot sa ulo) Eh nasaan yong baka?
Bata: Ano pa gagawin ng baka dyan, eh wala ng damo? syempre umalis na po. Common sense naman mam!

pinoy-jokes-burol

BUROL

Pedro: Ang tapang talaga ni Paeng! Biro mo, tumalon sa eroplano nang walang parachute!
Juan: Ohh, totoo? Saan mo naman nabalitaan yan?
Pedro: Dun sa burol nya!

GIRLFRIEND-BOYFRIEND CONVO.

Girlfriend: Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko!
Boyfriend: Ha, e wala naman akong ginawang masama ah?
Girlfriend: Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.

TOOTHPICK

Amo: Inday bakit ang bilis maubos ng mga toothpick natin?!
Inday: Hindi ko po alam Ma’am kapag gumagamit naman ako binabalik ko

PARA-PARAAN

Teacher: Juan..! Bakit ka natutulog sa gitna ng klase!
Juan: napakalambing po kasi ng boses mo Mam, yun ang dahilan kung bakit nakatulog ako.
Teacher: Bat yung iba hndi naman nakakatulog?
Juan: Mam, hindi po kasi sila nakikinig sayo Eh!!

BABAE SA BUS

Juan: Nay alam nyo pinatayo ako ni itay sa bus para ibigay upuan ko sa babae!
Nanay: Anak magandang asal yun!
Juan: Kahit nakakandong po ako kay itay?

pinoy-jokes-madamot

MADAMOT

Juan: Oys, ano yan? Pinya? Pahingi naman dyan.
Pedro: Pahingi? Nasaan ka noong nagbubungkal ako ng lupa sa ilalim ng init ng araw? Nasaan ka noong nagtatanim ako habang kumukulog, kumikidlat at bumubuhos ang malakas na ulan? Nasaan ka noong oras na nag-aani ako na nagkalat ang maraming ahas sa dadaanan ko, noong naghihirap ako sa pagpasan ng pinya? Nasaan ka?
Juan: Nakakulong kasi ako noon! Nakapatay ako ng madamot!
Pedro: Ganun ba? Kuha ka na, kahit ilan! May langka pa doon!

EX (X)

Teacher: Find the value of ” X ”
Juan: Aysus!! Ma’am hindi na dapat hinahanap ang value ng X,X na nga eh!
Dapat ang ituturo mo po sa amin, kung paanomag move on!
Hindi kung anu-ano ang ipinapaalala mo po sa amin!
Past is Past ! No need to discuss..

PUNSO

Pedro: Bakit lumaki yung paa ni Perla?
Juan: Sinipa yung punso.
Pedro: Bakit lumaki yung nguso ni Lita?
Juan: Dinuraan yung punso. O pare, saan ka pupunta?
Pedro: Iihi sa punso

KAMAG-ANAK

Babae: Mabuti pa ata kung nagpakasal na lang ako sa demonyo!!
Lalake: Wehh, bawal kaya magpakasal sa kamag-anak

pinoy-jokes-pakwan

PAKWAN

Tindera: Suki, bili na kayo ng pakwan. Mapula at matamis.
(Nabitiwan ng tindera ang isang pakwan, bumagsak sa semento at nabiyak.)
Rosalinda: Sabi mo mapula. Maputla naman pala ang pakwan na tinda mo.
Tindera: Aba, kayo man ang bumagsak sa semento, mamumutla rin kayo!

NICE CHOICES

Mister: Hon, anung ulam natin?
Misis: Andyan sa mesa, pumili ka.
Mister: Hon, sardinas lang ang andito. Anu bang pagpipilian ko?
Misis: Pumili ka kung kakain, o magrereklamo ka!

PANGIT

Nanay: Bat ka umiiyak?
Berto: Si kuya po sinabihan ako PANGIT!
Nanay: Totoo ba sumbong ng kapatid mo?
Pedro: Wag po kau maniwala sa sinasabi ng pangit na yan!

500 TO 10

Juan : Nay , hihingi sana ako ng 500?
Nanay : Ano 400 ? ! ang laki naman ng 300 na hinihingi mo ! !
Anong gagawin mo sa 200?!
Kala mo ba madali lang maghanap ng 100?!
50 nga hirap ko na kitain , 20 pa kaya ?!
Pasalamat ka may 10 pesos pa ako oh eto 5 .
Juan : Akin na ! ! baka maging piso pa yan ! !

LITRATO

Anak: Itay, masama ang pakiramdam ko.
Tatay: Aba, mataas ang lagnat mo! Patitingnan kita sa doktor.
Anak: Itay, nakakatamad. Kung titingnan lang niya ako…ipadala nyo na lang ang litrato ko.

pinoy-jokes-beautiful

BEAUTIFUL

Teacher: Juan, give me a sentence.
Juan: Ma’am is beautiful, isn’t she?
Teacher: Very good! Please translate in tagalog.
Juan: Si ma’am ay maganda, hindi naman di ba?

RANSOM

Dinalaw ng anak yung tatay niya sa kulungan..
Tatay: Anak, bakit ikaw lang mag-isa ang dumadalaw
sakin dito? Bakit hindi mo kasama ang nanay?
Anak: Tay, nagsha-shopping po si inay…
Tatay: Aba ang dami yatang pera ng nanay mo, san
naman siya kumuha ng pera?
Anak: Yung pabuya po sa inyo.

MILYONARYO

Guro: Imagine na kayo ay MILYONARYO. Isulat ang iyong activities.
Students: Yes mam!
Guro: Juan bat di ka nagsusulat?
Juan: Intay ko po ang SECRETARY ko!

KALABAW

BF: Kainis si Juan, sabihin ba naman na mukha ako MAGSASAKA pagkatabi kita!
GF: HAHAHA! Wag ka na magalit nagbibiro lang yun. Bakit nya namandaw nasabi?
BF: Kasi mukha ka daw KALABAW!
GF: GRRR!

GENTLEMAN??

Roy: Alam mo, ayaw na ayaw kong makakita ng nakatayong babae sa bus habang ako eh nakaupo!
Juan: Kaya pinapaupo mo?
Roy: Hindi, natutulog ako!

pinoy-jokes-tubig

TUBIG

Sosyal nakiinom sa baryo…
Angelita: Where galing your water?
Lola: Sa ilog iha!
Angelita: Eeww, naiinom ba yan?
Lola: Nasa iyo iha kung gusto mo nguyain!

KUMPISAL

Killer: Father mangungumpisal po ako
Father: Ano kasalanan mo?
Killer: Pumatay po ako ng 20 tao
Father: Bakit?
Killer: Kasi po naniniwala sila sa Diyos, kayo po naniniwala ba?
Father: Dati…pero ngayon trip trip na lang!

MONKEY

Pedro: Nay, nay, tingnan nyo po ang drawing ko oh!
Nanay: Wow!! Ang galing namang mag-drawing ng MONKEY ng bunso ko!
Pedro: Nay, kayo po yan!

GRO AT ADIK CONVO.

Adik: Payag ka na bang magpakasal sa akin?
GRO: Oo pero ok lang ba sa iyo kung meron akong past?
Adik: Ok lang, wala naman akong future eh.

FAVORITISM

Teacher: Pedro 1 + 3?
Maria: Maam 4 po.
Teacher: Oh ikaw Juan. 3+ 1?
Juan: Ayan na! Ayan na! Langya… pag mahirap akin…! Favoritism….!

About rhuztom 89 Articles
Hello, I'm Rhuztom. I started blogging and writing 2 years ago and fortunately, still going. I love basketball, watching animes, reading and browsing memes and creating non-sense to not-so-cool images. Well, I hope you like my posts. Kanpai!
Loading Facebook Comments ...

Be the first to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.


*


Current day month [email protected] *