Best Quotes Para sa Kabit
Ang tubig lumalabo kapag may nakahalong lupa,
parang sa pag-ibig lumalabo kapag may humahalong hampaslupa.
– Anonymous
Ang mga kabit, pasimple kung dumikit.
Kahit laging sabit, in short sila ay bwisit.
– Anonymous
Ang asawa for future,
Ang kabit for maintenance.
– Anonymous
Wala kang karapatang umarte, lalo na kung kabit ka lang.
– Papa Jack
Hindi porket uso maging kabit makikiuso kana,
Tandaan mo ang bawat kabit may karmang sinasapit.
– Anonymous
Ang hirap pag boyfriend mo kabit mo lang,
Hindi mo maisigaw sa facebook ang kanyang pangalan.
– Anonymous
Kung gusto mo ng love life,maghintay ka,
Hindi yung mang-aagaw ka.
– Anonymous
Funny Quotes Para sa Kabit
Kaya kabit ang tawag sa kanila,
kasi daig pa nila ang epoxy kung kumabit.
Kaya kerida, kasi makire.
Kaya mistress, kasi nakaka-stress.
– Anonymous
Simple lang naman ang pangarap ko,
Ang humigop ng kape
Sa burol ng kabit ng asawa ko.
– Anonymous
May shortage ba talaga ng mga lalaki ngayon?
At kailangan mo pa talaga mang-agaw para magkaroon.
– Anonymous
Subukan mo lang lumandi sa mahal ko,
Ako na mismo magpa-file ng death certificate mo.
– Anonymous
Aanhin mo pa ang bahay na bato,
Kung kabit ka lang naman na itinira dito.
– Anonymous
Movie Quotes Para sa Kabit
Alam mo kasi ang marriage parang exclusive village. Kailangan mong bantayan para hindi makapasok ang mga squatters.
– Christine Reyes
Ang mundo ay isang malaking Quiapo.
Maraming snatcher, maaagawan ka. Lumaban ka !
– Carmi Martin
Ikaw pala. Ikaw pala ang sinasabi ng asawa ko na asawa mo na asawa ng bayan!
– Laurice Guillen
Unfair noh, kapag lalaki ang nangaliwa tanggap lahat ng tao, pero kapag babae, makasalanan siya. Come to think of it meron ka na bang narinig na lalakeng tinawag na home wrecker o kaya eh kabet.
– Sharon Cuneta
Remember this, no woman can seduce a happy husband. Kung hindi mo pa rin maintindihan, bakit hindi sarili mo ang sampalin mo, baka sakaling matauhan ka!
– Vilma Santos