May kanya-kanya tayong buhay, pakialaman mo yung sayo wag yung akin.
– Anonymous
Ang Tsismis, ay ginagawa ng taong galit sayo kinakalat ng taong loko-loko at pinaniniwalaan ng mga taong makikitid ang ulo.
– Anonymous
Kung hindi kayang itikom ang bibig… buksan na lang ang isip… Kung ang kasasalita ay di mapigilan… Magsalita ka na lang nang may kabuluhan
– Anonymous
Ang mga chismosa para yang antenna, lahat nasasagap.
– Anonymous
Gaano ka man kaingat sa iyong pananalita. Pagdating sa mga tsismosa, ikaw pa rin ang mapapasama.
– Anonymous
Ang tunay na Tsismosa, nakikipagtsismisan pa din kahi paos na.
– Anonymous
Hindi kailangan intindihin ang mga negatibong tsismis mula sa iba, dahil inggit sila sa kakayahan mo na sila naman ay wala.
– Anonymous
Babala: Mag- ingat sa makamandag na dila ng Tsismosa dahil ang Dila ay walang buto pero kaya nitong makasira ng buhay at ng masayang pamilya.
– Anonymous
Magiging masarap lang ang tsismis, kapag binusog ka na ng karma.
– Anonymous
Ang tsismis parang history lang yan… Pinaniniwalaan kasi di naman nasaksihan.
– Anonymous
Kung nakakain lang sana ang tsismis,
walang magugutom sa mundo,
Pero sana nakakamatay na lang ang tsismis
ng maubos ang tsismosa sa mundo.
– Anonymous
Siraan ka man ng kung sinu-sino.
Hanggat di nila nalalaman ang tunay mong pagkatao.
Mananatili silang sinungaling sa mata nga mga taong,
Higit na nakakakilaa sayo.
– Anonymous
Ang mga tsismosa’t tsismoso, Sila yung taong walang pakialam sa tunay na nararamdaman ng mga taong laman ng kanilang pinagtsitsismisan.
– Anonymous
Ang mga tsismosa, hindi pa nila alam ang buong istorya pero sa kanila may ending na.
– Anonymous
Dati ang mga tsismosa’t intrigera sa kapitbahay mo lang matatagpuan,
Ngayon lahat sila nasa Facebook na.
– Anonymous