Bob Ong Famous Quotes
Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo.
– Bob Ong
Wag ka maniwala sa kasabihan na: Kung mahal mo, pakawalan mo. Mahal mo nga eh, anong katangahan bakit mo pakakawalan?
– Bob Ong
Madalas ang wrong send ay hindi naman talaga wrong send at ang blank text ay hindi naman talaga napindot lang…ganyan mag papansin ang ayaw mag first move.
– Bob Ong
Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.
– Bob Ong
Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.
– Bob Ong
Hikayatin mo lahat ng kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang paboritong libro sa buhay nila. Dahil wala nang mas kawawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa.
-Bob Ong
hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?
– Bob Ong
Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.
– Bob Ong
Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi
pagkukusa.
– Bob Ong
“Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority.”
– Bob Ong
“Ayokong nasasanay sa mga bagay na maaari namang wala sa buhay ko“
– Bob Ong
“Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya.”
– Bob Ong
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
– Bob Ong
“Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala”
– Bob Ong
Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo.
– Bob Ong
“Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba.”
“Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”
“Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”
“Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”
– Bob Ong
“Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”
– Bob Ong
Bob Ong Life Quotes
Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.
– Bob OngNalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.
– Bob Ong
“mahirap magmalasakit sa buong mundo habang natitisod ka sa mga nagkalat na pulubi sa sarili mong bansa.”
– Bob Ong
Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima, sampung taon sa hinaharap,
mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng
kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling
mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sapaglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e
nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.
– Bob Ong
Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mgaaraw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay,sarap!).
– Bob Ong
Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.
– Bob Ong
Mas madaling manahimik. Mas ligtas magtago ng opinyon. Mas kumportableng hindi magsalita. Pero may mga tao noon na hindi nakuntento sa mga “mas” na yan.
– Bob Ong
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
– Bob Ong
Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung
walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.
– Bob Ong
Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na
sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama
ka.
– Bob Ong
Ang pagkitil ng sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng celfone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.
– Bob Ong
Kung maghihintay ka ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.
-Bob Ong
Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kaya mong intindihin ay kasinungalingan.
– Bob Ong
“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
– Bob Ong
Ang tamang bagay saka tamang panahon wala na ring saysay kapag wala na yung tamang tao. Ang tao, pwedeng mag adjust, pero ang bagay at panahon, hindi.
– Bob Ong
“Minsan kahit maasim ang buhay at may mga daga, masarap pa ring tumaya”
– Bob Ong
kung gusto mong maging musikero, sige lang. pintor, ayos! inhinyero, the best! kung gusto mong maging teacher, pilitin mong maging teacher na hindi makakalimutan ng mga estudyante mo. kung gusto mong maging sapatero, maging pinakamahusay kang sapatero. kung gusto mong maging karpintero, maging pinakamagaling kang karpintero. kung gusto mong maging tindero ng balut, wag kang dadaan sa harap ng bahay namin para mambulahaw sa gabi kung ayaw mong masaktan!
– Bob Ong
“kahit ikaw ay parang bato na manhid at walang pakiramdam, mag-ingat-ingat ka naman. dahil kahit ganyan ka, hindi nasasaktan, kaya mo namang makasakit.”
– Bob Ong
“Hindi porke’t madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa.”
– Bob Ong
“Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima, sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda o nakakalibog ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka.”
– Bob Ong
Bob Ong Love Quotes
Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.
– Bob Ong
“Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una.”
– Bob Ong
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
– Bob Ong
Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
– Bob Ong
Bakit kasi may mga taong hindi makuntento sa isa. Bakit may mga taong alam ng may karelasyon ung isa, nilalandi pa nila. Hayyy.. Sa mundong ito, para maging balanse kelangan ng mga katulad nila. Di naman talaga maiwasan na humanga ka sa iba kahit meron ka ng minamahal. Pero sana alam natin ang limitasyon natin. May maidudulot bang maganda kung sakaling magkaron pa tayo ng iba? Lahat tayo magkakamali, pero sana matuto tayo sa pagkakamaling ito.
Lahat naman ng tao sumeseryoso pag tinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.
– Bob Ong
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya. – Bob Ong
Wag kang paasa! Un lang un eh.. Pasweet-sweet ka sa tao pero para sayo wala lang yun, eh ano sa tingin mo nararamdaman nung kabilang kampo? Hindi mo namamalayan nahuhulog na pala sya sayo. Simple lang, kung kaibigan lang ang turing mo kanya, umasta ka bilang kaibigan. Para wala kang masasaktan at bibigyan ng problema.
Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.
– Bob Ong
Wag kang paasa! Un lang un eh.. Pasweet-sweet ka sa tao pero para sayo wala lang yun, eh ano sa tingin mo nararamdaman nung kabilang kampo? Hindi mo namamalayan nahuhulog na pala sya sayo. Simple lang, kung kaibigan lang ang turing mo kanya, umasta ka bilang kaibigan. Para wala kang masasaktan at bibigyan ng problema.
– Bob Ong
Sa tao, di maiiwasan minsan maging martir. Kahit na ikaw ung makaranas ng sakit ok lang mapasaya mo lang ung tao na minamahal mo. Eh ikaw? magdurusa ka na lang? Kelangan minsan tayo, magkaron ng tapang sa sarili upang di masaktan. Ipaglaban mo hanggang sa kaya mo. Pero wag umabot sa point na parang aso ka na hahabol -habol. Isipin mo din ang sarili mo. Kung talagang wala ng pag-asa, tigilan mo na. Mahalin mo ang sarili mo at sabihin mo di ka nagkulang dahil nagawa mo syang ipaglaban.
Wag ka maniwala sa kasabihan na: Kung mahal mo, pakawalan mo. Mahal mo nga eh, anong katangahan bakit mo pakakawalan?
– Bob Ong
Kapag nagmamahal ka, kelangan magtira ka ng para sa sarili mo. Hindi pwedeng buong mundo mo ay umiikot lang sa taong ito. At kung alam mo na yung taong minamahal mo ay walang maisusukli na pagmamahal para sayo, tigilan mo na lang dahil ikaw lang ang masasaktan.
Kung di ka kayang suklian ng taong minamahal mo, siguro ay wala talaga syang barya kaya wag kang magbigay ng buo.
– Bob Ong
Mahirap paaminin ang ayaw umamin. Pero madaling mapansin ang ayaw nyang aminin
– Bob Ong
Kapag ayaw mabuko, todo itatanggi mo. Ok lang yun kung nahihiya kang aminin, pero kung obvious na obvious naman na gustong-gusto mo sya dahil lagi mong binabanggit pangalan nya, lagi mong napapansin pag dumadaan sa harap mo, ultimo pabango nya naamoy mo, ay nako wag mo ng itanggi kasi halata na at masasabihan ka lang sinungaling. Malay mo pag nalaman pala nya gusto mo sya at gusto ka rin nya at nagkakahiyaan lang kayo…. sa huli kayo din pala ang magkakatuluyan.
– Bob Ong
Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? alam ba nilang pag
natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?
– Bob Ong
Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin
na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.
– Bob Ong
Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba.
– Bob Ong
Hindi porke pinili ka niya ngayon eh ikaw na talaga ang mahal niya. Siguro he just took you for granted kasi ayaw sa kanya nung mahal niya.
– Bob Ong
Pag pinag-aagawan ka, malamang maganda ka o gwapo ka. Tandaan mo: Sumama ka sa mabuti, di sa mabait. Sa marunong, di sa matalino. Higit sa lahat, sa mahal ka, di sa gusto ka.
– Bob Ong
“Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka niya..”
– Bob Ong
“Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”
– Bob Ong
“Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”
– Bob Ong
“Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang.”
– Bob Ong
Bob Ong Quotes from His Books
“Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo. ”
– Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak
para alagaan ang sarili mo.”
– Bob Ong
“karapatan kong madapa at bumangon sa buhay nang walang tatawa, magagalit, magtatanong, o magbibilang kung ilang beses na ‘kong nagkamali at ilang ulit ako dapat bumawi”
– Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Ang maganda sa pag-asa, hindi ‘to nakukuha sa’yo nang hindi mo gusto.”
-Bob Ong, Stainless Longganisa
“Nalaman kong hindi pala exam na may passing rate ang buhay. Hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration, o fill-in-the-blanks na sinasagutan, kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga naisulat o wala. Allowed ang erasures.”
– Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Hindi ako naniniwalang kailangan ng tao mangarap dahil gusto n’ya ng pera, o gusto n’yang sumikat, o gusto n’ya ng impluwensya. Side effects na lang ang mga ‘to, sa tingin ko. Nangangarap ang tao dahil binigyan s’ya ng Diyos ng kakayanang mangarap at tumupad nito. Tungkulin n’yang pagbutihin ang pagkatao n’ya at mag-ambag ng tulong sa mundo. At wala na s’yang iba pang magagawang mas malaking kasalanan sa sarili bukod sa talikuran ang tungkuling yon… ”
– Bob Ong, Stainless Longganisa
“Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao kapag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para makaharap ulit ang taong tinalikuran mo.”
– Bob Ong
“Minsan pala kailangan rin ang lakas para sabihing mahina ka.”
― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko. ”
– Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Walang pakealam ang mga tao sa katotohanan, sa tsismis lang sila interesado.”
– Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“Marami ang may ayaw sa pilipinas, pero walang nagtatanong kung gusto sila ng pilipinas”
– Bob Ong, Bakit Baliktad Magbasa Ng Libro Ang Mga Pilipino?
“…madaming teacher sa labas ng eskwelahan. desisyon mo kung kanino ka magpapaturo.”
― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.”
― Bob Ong
“Yon ang mali sa tinatawag na ‘cool factor.’ Para maging ‘in’ ka, dapat magustuhan mo yung gusto ng iba. Pero pag sobrang dami na ng may gusto, dapat umayaw ka naman dahil magiging jologs ka na. Dapat kakaiba lagi ang gusto mo, para kunyari iba ka.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“Di naman iiyak ang mundo sa isang tao lang…”
― Bob Ong
“Hindi naman kailangan ang maraming tao para bumuo ng mundo. Minsan isang tao lang ang kasama mo, buo na ang mundong kailangan mo habambuhay.”
― Bob Ong, Kapitan Sino
“Naniniwala ako na kung wala kang nagagawa sa kinatatayuan mo ngayon wala ka ring magagawa sa kung saan mo man gusto magpunta.”
― Bob Ong, Stainless Longganisa
“hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. at hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. ”
― Bob Ong, Ang Paboritong Libro ni Hudas
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung ‘di mo pagtitiyagaan limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi.”
― Bob Ong
“Nalaman kong maswerte ako dahil pinaglaro at pinag-aral ako ng magulang ko nung bata pa ‘ko. Hindi pala lahat ng bata e dumaraan sa kamusmusan.”
― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Pero hindi lahat ng inaakala mong korni, e korni. Minsan ikaw lang din talaga ang walang sense of humor at may deperensya, siguro dahil sa pagpipilit mong maging iba.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“ako, ang hinahangaan kong tao na mahilig sa libro e yung may matututunan ka pag kausap mo, yung makikita mong naging marunong at mabuti siyang tao dahil sa pagbabasa niya ng mga libro.”
― Bob Ong, Lumayo Ka Nga Sa Akin
“Parang “Time’s Up!” ang reunion,”pass your papers finished or not!” Oras na para husgahan kung naging sino ka…o kung naging magkano ka. Sino ang naging successful? Sino ang naging pinaka-successful?”
― Bob Ong, ABNKKBSNPLAKo?!
“Dalawang dekada ka lang mag-aaral. Kung di mo pagtitiyagaan, anak, limang dekada ng kahirapan ang kapalit. Sobrang lugi. Kung alam lang iyon ng mga kabataan, sa pananaw ko e walang gugustuhing umiwas sa eskwela.”
― Bob Ong, MACARTHUR
More Quotes from Bob Ong
“Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan”
– Bob Ong
“Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lang yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”
– Bob Ong
“Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo.”
– Bob Ong
“Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo.”
– Bob Ong
“Ang pag-ibig parang imburnal…nakakatakot mahulog…at kapag nahulog ka, it’s either by accident or talagang tanga ka..”
– Bob Ong
kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak,pero wag na wag kang susubok mag-drugs. kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.
– Bob Ong
tuparin ang mga pangarap. obligasyon mo yan sa sarili mo.
– Bob Ong
mangarap ka at abutin mo ‘to. wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwede kang manisi at maging rebelde. tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.
– Bob Ong
“hikayatin mo lahat ng mga kakilala mo na magkaroon ng kahit isa man lang na paboritong libro sa buhay nila dahil wala nang mas nakakaawa pa sa mga taong literado pero hindi nagbabasa”
– Bob Ong
ayos lang lumaki nang lumaki, magpatangkad, at tumanda nang walang natututunan– kung puno ka! pero bilang tao, may karne sa loob ng bungo mo na nangangailangan ng sustansya. maraming pagkakataong kakailanganin mong sundutin yon. at sa bawat sundot, tulad ng sundot-kulangot, mas maigi kung may kapaki-pakinabang kang makukuha.
– Bob Ong
“Mahihina pa ang mga katawan natin ng una tayong pumasok sa eskwela. Mahihina na tayo pagkatapos nating magretiro sa trabaho. Lumalabas tayo ng bahay papasikat palang ang araw. Bumabalik tayo ng bahay, papalubog na ito.”
– Bob Ong
Ganyan na lang yata talaga ang buhay ng tao. Kung pumapasok tayo sa eskwela para lang makahanap ng trabaho at kumita ng pera balang araw, di na nakapagtataka kung bakit marami ang namamatay ng mangmang.
– Bob Ong
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan niya, na mas marami pa siyang alam kesa sa nakasulat sa tanscript of records niya. Mas marami pa siyang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume niya. At mas mataas ang halaga niya sa presyong nakasulat sa payslip niya tuwing sweldo.
– Bob Ong
” ung hndi grades ang sukatan ng pag katao ng isang tao”
– Bob Ong
“mag-aral maigi; kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka sa pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher.”
– Bob Ong
“Ang pagkitil sa sariling buhay ay karapatan lamang ng mga taong gumagamit ng celfone at nakikipagkwentuhan sa loob ng sinehan.”
– Bob Ong
ilang hakbang pa papunta sa kanila ramdam niya na ang mga nakakapasong tingin ng mga kapitbahay. ang mga nakakasugat na dila. Ang mga nakakasakit na panghuhusga. Mga totoong halimaw na hindi mapapatay ng bala.
– Bob Ong
“mangarap ka at abutin mo ito. wag mo sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta o mga lumilipad na ipis… kung may pagkukulang sayo ang magulang mo, pwede kang manisi at magrebelde, tumigil ka sa pag-aaral, mag drugs ka, magpakulay ng buhok sa kili-kili… sa bandang huli, ikaw din ang biktima… rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili…”
– Bob Ong
“Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo… Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig… Lalong ‘di mo kontrolado kung kelan siya bababa.”
– Bob Ong
“Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.”
– Bob Ong
“Alam mo ba ang pinagkaiba ng mga bulag at ng mga nakakakita? Hindi alam ng mga nakakakita kung kelan sila bulag.”
– Bob Ong
“Imbis na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat? Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na s’ya.”
– Bob Ong